Copyright (c) 1990-2015 by Edgie Polistico - ALL RIGHTS RESERVED

Saturday, July 31, 2010

Asin-Tamis

Tumatamis Din Ang Asin

Ni Edgie Polistico


Maalat nga kung tikman
Ngunit kung tabang ang sabaw 'di bale na lang

Mapangiwi ka nga sa alat
Ngunit kung sa hilaw na mangga 'wag kang tanga

Sa sugat ay mahapdi
Ngunit sa inihaw di ka makakatanggi

Kung luluhoran mo ay parang tinik
Ngunit sa manok na pinaluhod sa asin mawalan ka ng imik

Panakot daw sa engkanto
Ngunit kulang ang panlasa ng dila mo kung wala ito

Ikaw sa akin ang parang asin
Kung wala ka sa buhay ko ito'y walang panlasa

      .... walang imik
        .... laging itinatanggi
.... laging tanga        
                    ....parang di bale na nga.



----------------------------------------------------
Written on 04 April 2000 Makati City

Salt making in Tayabas, Batangas