Copyright (c) 1990-2021 by Edgie Polistico - ALL RIGHTS RESERVED

Tuesday, July 19, 2011

Busog Sa Gutom

BUSOG SA GUTOM
ni Edgie Polistico


Tanghali na galing sa pamamasura
Mainit na daan pilit na nilalakbay
Hanap pa rin ang ilalaman sa sikmura
Hanggang malimutan pagdating sa bahay

Inang, sana andito ka pa
Tulad noong tayo'y may sinasaing pa
Ngunit akoy iyong iniwan
Dahil wala nang ilalaman sa tiyan

Ako ngayoy payat at nanghihina
Bilang na ang pintig ng puso
Lalakas 'pag may napulot na basura
Hihina mamaya't tutulo ang luha

Pagdating ko sa madilim na gabi
Iginuhit ko na lang sa isip na akoy busog
Tinitiis ang hapdi
Para bang ako'y di gutom

Bukas, lalakad ulit sa mainit na daan
Simoy ng basura ay sa aki'y masarap
Dito ko laging nakukuha ang ilalaman sa tiyan
Naging hapagkainan sa aking paghihirap

Sa paghahanap ko sa basurahan
Mga aso ay kaagaw ko minsan
Nakatingin sa ulap umaasam-asam
Sana bumagsak ka't iinumin ko ang ulan

Buti na lang at yumao ka ina
Dahil higit ka pang maghihirap kung buhay ka pa
Kung silay kumakain tatlong beses isang araw
Ako ay tatlong beses na gutom at uhaw


----------------------------------------------
written in December 1990
Published in DWU Bulletin's January 1991 issue
Tacloban City

No comments:

Post a Comment